SALA? [LIVING ROOM]

Akala ko wala akong mailalahok sa linggong ito, pero naalala ko itong larawan na ito na kuha may mga ilang buwan na ang nakararaan habang matindi pa ang lamig dito sa aming lugar.
[I wasn’t so sure what to post for this week’s theme but here I found one in my archives, our fireplace with the two kids during the recent cold winter nights a couple of months ago.]

Naganap ito noong minsang naisipan naming gumawa ng home-made burgers at fries na kinain namin sa harapan ng fireplace…just like in the movies!:)[This was one night we thought of making home-made burgers and fries and ate them by the fireplace, feeling America.:)] Mainit siya ha! Ang pagkain at ang init na nanggagaling sa nagliliyab na apoy. [It was definitely hot, both the food and the heat from the burning fire wood.]
LIKOD-BAHAY [BACKYARD]

Ito naman ay sa aming likod bahay. Isang napakagandang araw, malamig pa rin ngunit dahil sa sikat ng araw, masarap ang pakiramdam! [This one on the other hand was taken at my backporch, one very mild, not hot spring day, but the sun was shining so bright, it felt really good!]
KUSINA [KITCHEN]

At ito ay kagabi lamang habang ako ay nagluluto ng New England CLAMBAKE, bago dumating ang aming bisitang pinsan na galing ng Canada. [And this was just last night, taken while I am cooking for dinner.] Nasaan ako? Nandoon sa ibaba ng camera, nagtatago. [Where am I? Hiding under the camera.] Literal ba? Iyan ang apoy. [What else can I say, now this is FIRE!]
HAPAG-KAINAN [DINING ROOM]

At ito ang kanyang kinalabasan. Kinunan ko habang umaaso pa sa init. Hindi lamang nakita sa larawan. [This was the end result taken while it was still steaming hot, fresh from the pot!]
Ang sa kwarto, hwag na nating pag-usapan ito…:) at baka tayo ma-sensor!
Ika-pitong lahok para sa Litratong Pinoy na may temang…NAG-AAPOY. [This is my 7th entry for Litratong Pinoy with the theme…NAG-AAPOY.]
Maraming salamat pala sa aking butihing kapit-bahay na si Tita Stel dahil ang recipe nito ay galing sa regalo niyang cookbook noong pasko, bago pa man kami lumipat dito. Isa pa lamang ito sa mga masasarap na recipe sa nasabing libro. At kung gusto ninyo malaman ang pamamaraan sa pagluluto nito, maari lamang na lumiham sa akin o mag-iwan ng message dito.
[Thank you so much to my dear neighbor, Mrs. Rambutan for the recipe came from her Christmas gift which is a Williams-Sonoma Cookbook, Savoring Fish and Shellfish.]




