Litratong Pinoy #4: Pahaba

April 23, 2008 at 3:09 pm , by Ces

PhotobucketKararating lang namin ng aking mga anak galing sa dagat dahil sa napakaganda ng panahon ngayong araw na ito. Kaya sa aming pagbalik sa tahanan tunay namang uhaw na uhaw kaming tatlo. Ito ang aking unang unang kinuha sa kusina…mataas na baso ng malamig na tsaa na ininom ko habang natatanaw ang matangkad na punong nangingibabaw sa aming likod bahay. [We just got back from the beach since it was a very warm and pretty day today, and as we arrived I was so thirsty that the very first thing I grabbed in the kitchen was a tall glass of iced tea that I literally gulped in my back porch with the tall tree hovering over me .]

Photobucket

Ito naman ang aming pinananghalian…[and this is what we had for lunch]…spaghetti.

Photobucket

Syempre may [of course there's] dessert, tiramisu! Hiniwang pahaba! [A long slice at that.]

Photobucket

Sa pagod at busog, ang aking bunso ay nakatulog sa sala.[As we speak, my youngest is fast asleep in the living room...all pooped and full!]

Ano ang kinalaman ng anak ko dito? Hanapin ninyo! [What's my son got to do with this? Go ahead and look!]

Photobucket

Syempre kailangan nandito rin ang aking panganay. Kuha ito ng obelisk o Washington Monument sa Washington D.C. noong nakaraang taon. [I wouldn't miss taking this chance to post a photo of my daughter. This obelisk/Washington Monument shot was taken in Washington D.C. during our trip last year.]

Ito ay isa na namang lahok para sa LITRATONG PINOY na may temang, ANG HUGIS AY PAHABA. [This is another entry for LITRATONG PINOY with the theme, ANYTHING LONG?]

23 spiCes

Category Uncategorized / Tags: /

Social Networks : Technorati, Stumble it!, Digg, delicious, Google, Twitter, Yahoo, reddit, Blogmarks, Ma.gnolia.

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.

23 spiCes so far

by Thess

On April 23, 2008 at 4:32 pm

Awww tita Ces, napako tingin ko sa mapipilantik at mahahabang pilikmata ng iyong anak!!

at kahit ako, pagkatapos ko kumain ng luto mo, maghihilik ako agad ha ha ha!!

hanggang sa susunod na Huwebes!

by g

On April 23, 2008 at 4:53 pm

Onga, mapilantik at mahabang pilikmata! Muy guapo! Nakakatakam ang mga litratong inilahok mo! SAndali kakain muna ko…. ;-)

by Lizeth

On April 23, 2008 at 8:44 pm

ang cute naman ng iyong anak :)

ang daming noodles!!

by iska

On April 23, 2008 at 8:50 pm

nag try ako na kunan ang bata para sa LP4 kaso gabi at hindi maganda lumabas ang larawan hehehehe

napakagagandang mga bata :-)

by lidie

On April 23, 2008 at 9:20 pm

shempre pa! nagutom nanaman ako sa iyong lahok! ang ganda ng iyong mga litrato!
magandang huwebes sa’yo!

by lino

On April 23, 2008 at 9:41 pm

hte first shot has a nice perspective, nagutom ako sa mga sumunod na shot, pareho kong may mahabang pilikmata yung anak mo, and yung last shot mo ay yan din ang entry ko, hehehe…

by julie

On April 23, 2008 at 10:34 pm

napakasarap na mga pagkain at inumin. Ang iyong anak ay napaka-cute naman :)

by Linnor

On April 24, 2008 at 12:05 am

yan ang kailangan ko ngayon, isang baso ng malamig na inumin! :D

by girlie

On April 24, 2008 at 12:28 am

ayun, yung mabaha at malantik na pilik-mata, yun ang kinalaman nya =)

gusto ko yung baso mo, sana may mahanap akong ganyan dito

http://hipncoolmomma.com/?p=1695

by Eds

On April 24, 2008 at 2:47 am

So nice! Maganda ang iyong mga entry kaibigan! Magandang Huwebes!

Eto naman ang akin:

http://edsnanquil.com/?p=634

by cathy

On April 24, 2008 at 4:11 am

Ang gaganda po ng mga bata =) at ang mga pilikmata, ang haba nga!

by yvelle

On April 24, 2008 at 7:11 am

mukhang ang sarap mo magluto ng spaghetti.. at yummy tiramisu! cute kits! have a great day! :)

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html

by Buge

On April 24, 2008 at 7:37 am

Ang haba ng pilikmata ng anak mo! At nakakgutom din ang mga nasa larawan! Parang bigla tuloy akong nauhaw!

Magandang Huwebes sa yo!

by Meeya

On April 24, 2008 at 10:37 am

ay nakakagutom naman bumisita dito hehe. actually naisip ko rin mag-post ng spaghetti, kaya lang hindi ako kasing sarap mo magluto kaya minabuti ko na lang na huwag na, haha!

great pics! :)

maligayang huwebes!

MyMemes: LP Pahaba
MyFinds: LP Pahaba

by komski kuno

On April 24, 2008 at 11:06 am

Huwaw, sarap naman nun:D Daming pics ah, hehe. At mahaba nga ang pilikmata niya. Magagandang mga litrato, ayus:D

by Kaje

On April 24, 2008 at 11:23 am

nakakainggit naman ang mahabang pilikmata ng iyong anak!!!

ang ganda din nga baso mo, hindi nakakabitin gamitin sa pag-inom :)

by Clicking Away

On April 24, 2008 at 3:31 pm

Nauhaw din ako… nakakaingit yung tea mo. Ang pinaka maganda ay yung kuha ng iyong anak na babae. Mukhang masayang-masaya niyang bina-balances and washington monument.

Clicking Away’s last blog post..LP004 – Hugis Ay Pahaba

by munchkin mommy

On April 24, 2008 at 4:43 pm

nakakatuwa at kumpleto ang kainan dito! may spaghetti bilang main course, tiramisu para panghimagas at tsaa para pantulak! :) may monumento rin ako sa aking lahok para sa linggong ito. hee hee. :)

Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston

munchkin mommy’s last blog post..LP #4: Hugis ay Pahaba

by Grey

On April 25, 2008 at 7:26 am

Ang gaganda naman ng mga naisip mo na litrato! Nagustuhan ko lahat! Un baso ng tsaa bumagay dun sa puno kasi may disenyo din na parang mga dahon. :) is the glass half full or half empty? hehehe.. ang ganda naman ng pilik mata ng bunso mong anak!!!!!!!! ang haba nga! :) maligayang LP!

by Pinky

On April 25, 2008 at 9:51 am

Mahaba kasi ang mga pilikmata ng bunso mo? ;)

Parang ang sarap makiinom ng mataas at malamig na baso ng tsaa mo – init na kasi dito sa disyerto e! Hahaha!

Pinky’s last blog post..LP #4: Hugis ay Pahaba

by alpha

On April 25, 2008 at 10:29 am

kaganda naman ng pilikmata ng anak mo

by jennyL

On April 25, 2008 at 10:58 pm

aww gaganda ng kuha mo Ces… at ginutom mo rin ako heheh

by Rach (Heart of Rachel)

On April 27, 2008 at 12:58 pm

Hi Ces. Ang ganda ng mga litrato. Ang sarap nga ng malamig na iced tea lalo na pag summer at maiinit ang panahon. Kanina spaghetti and dinner namin mag anak pero wala kaming dessert. Yan dessert na yan mukhang masarap.

Rach (Heart of Rachel)’s last blog post..Camera Critters #3

23 spiCes to “ Litratong Pinoy #4: Pahaba ”

By submitting a comment here you grant spiCes a perpetual license to reproduce your words and name/web site in attribution. Inappropriate comments will be removed at admin's discretion.

CommentLuv Enabled
  • postPOSTS

  • Categories

  • Top of page