Litratong Pinoy #6: Mahal na Ina [Happy Mother’sDay!]
Hindi ko alam na habang busy ako [opo ako po iyan sa aming munting kusina] sa pag-didisenyo ng cookies kasama ang aking bunso, eto palang aking mahal na panganay ay busy rin sa pagkuha ng larawan. Pinaglalaruan ang tripod na matagal nang nailagak sa baol! And the photo speaks for itslef, ika nga.
Ano itoh? Eto ang kwento…gumawa kasi kami ng cookies ng mga bata. Isa lang ito sa mga nakakatuwang disenyo na kinalabasan ng mga cookies. Naisip ko lang na isama ito na ilathala para sa temang ito ng Litratong Pinoy kasi ito ang paboritong kulay ng mama ko…bukod sa katotohanang sa kanya ako nagmana ng pagka-loka sa mga bags. Kung ako hindi ko alam ang dami ng mga bags ko, ay! lalo na ang aking mahal na ina! At syempre huwag nating kalimutan na ang bawat kulay ng bag ay may katapat na sapatos!
Hindi ko man siya mabigyan ng bag ng personal, sana ay matuwa siya sa munting regalong ito.:) Alam ko na hindi pa masyadong pino ang pagkaka-disenyo nito pero hindi ba’t ang cute? hahaha! Hwag ninyo nang titigan ang detalye. Pagbigyan nyo na at ito ay perstaym! At in fairness…masarap sya ha! tamang tama lamang ang tamis, ang tigas/lambot…sugar cookies, as they call it…

Ito naman ang iba pang kuha ng mga cookies…As i’ve mentioned above, this is a first attempt decorating cookies with Royal Icing. And as a unanimous verdict…yummy, fun and have to buy those intricate moulds soon! Hahaha!
Isa na naman pong lahok para sa pang anim na Litratong Pinoy na may temang …Mahal na Ina! Maligayang maligayang Happy Mother’s Day sa lahat ng mga butihing ina dyan lalong lalo na sa aking mama at mommy Vikki!
As mothers, we are building great cathedrals. We cannot see if we’re doing it right. And one day, it is very possible that the world will marvel, not only at what we have built, but at the beauty that has been added to the world by the sacrifices of invisible women.
author unknown
No Comments
Other Links to this Post
-
happy mother’s day | spiCes — May 10, 2008 @ 9:05 am
RSS feed for comments on this post. TrackBack URI


By Pinky, May 7, 2008 @ 6:27 pm
Ganda naman ng kulay ng bag na cookie – Tiffany blue
At ang galing mo naman magdisenyo kahit unang beses mo palang gawin ito – idol!
Paborito ko ang unang kuha dahil doon mo makikita kung ano ang tingin sa iyo ng iyong mga anak. Bilang isa ring ina, wala na atang sasarap pang pakiramdam sa kaalamang mahal na mahal ka ng iyong mga anak. Happy Mother’s Day sa iyo!
Pinky’s last blog post..LP #6: Mahal na Ina
By peterahon, May 7, 2008 @ 8:18 pm
very creative!
very sweet like the cookies being baked!
By lidie, May 7, 2008 @ 8:29 pm
hanga ako sa’yo at binibigyan mo ng oras na makasama ang iyong mga anak sa ganitong mga pagkakataon!
magandang huwebes sa’yo!
lidie’s last blog post..LP #6 :: Mahal na Ina
By ettey, May 7, 2008 @ 9:42 pm
ang sarap naman ng mga cookies mo!
happy mother’s day po sau!
ettey’s last blog post..[LP: Mahal na Ina]
By cathy, May 7, 2008 @ 10:18 pm
Nakakaaliw kayo tignan, pati ang mga batang seryoso sa pagdesign ng cookies! Happy Mother’s Day!
cathy’s last blog post..Pasasalamat
By nona, May 7, 2008 @ 10:53 pm
Una sa lahat maraming salamat sa pagbisita sa aking lahok.
your pictures says it all, ika nga. Lalo na ang unang larawan, nakakatuwang pagmasdan.
We have 1 thing in common ces, I love bags too!hahaha!
Happy mother’s day.
nona’s last blog post..Mahal na Ina
By Dyes, May 7, 2008 @ 11:22 pm
naks! mahal na mahal ka ng anak mo
sa palagay ko ay wala ng hihigit na reward sa ina kundi ang pagmamahal ng kanilang anak
happy mother’s day sa yo
Dyes’s last blog post..LP # 6 – Mahal Na Ina
By julie, May 8, 2008 @ 2:08 am
Magandang palipas oras yan ng mga mag-iina, pambonding
Padala ka dito ng sugar cookies mo
Maligayang Araw ng mga Ina sa iyo.
By Clicking Away, May 8, 2008 @ 2:46 am
Ang ganda ng unang litrato… tunay na mahal ka ng mga anak mo… and with good reason…kitang-kita kung gano mo rin sila kamahal.
Nakakatuwa naman kung paano ka magbuhos ng panahon para sa kanila. Yung mga baking activities niyo ay siguradong maaalala ng mga nak mo sa pgatanda nila.
Maligayang araw ng mga ina sa iyo!
Clicking Away’s last blog post..LP006 – Mahal na Ina
By Linnor, May 8, 2008 @ 4:13 am
Lalong gumaganda ang ina kapag kasama ang anak sa pic.
Parang gusto nang kainin ng anak mo yung cookies. Hehehe…
Linnor’s last blog post..Mahal na Ina
By bluep, May 8, 2008 @ 5:56 am
Napakagaling ng iyong anak kapatid. Simpleng pageexperimento eh napakaganda pa rin ng kanyang kuha na larawan. Mana talagasa Ina.
Maligayang (Advance) Araw ng mga Ina
bluep’s last blog post..Ang Mahal na Ina
By iska, May 8, 2008 @ 6:02 am
ang ganda ng kuha ni sam
happy mom’s day!
iska’s last blog post..Litratong Pinoy 6: Mahal na Ina
By Dragon Lady, May 8, 2008 @ 10:03 am
aliw ako sa mga lahok mo! mukhang masarap nga ang mga cookies na iyan.
nakakatuwa rin ang pagkuha nang litrato nang panganay mo.
maligayang araw nang mga ina sa iyo, ka-LP!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #6: Mahal na Ina
By teys, May 8, 2008 @ 10:25 am
sarap naman! gusto ko din mag-bake, ayoko lang maghugas
gandang lp!
teys’s last blog post..LP#6 – Mahal na Ina
By alpha, May 8, 2008 @ 10:37 am
sad talaga pag di kumpleto ang family
lalo na during esp occasions..
anyway, galing ng cookies mo cess ha. inggit ako
i like your kitchen too.. at ang galing ng panganay mo, mukhang may future sa photography..
happy mom’s day!
alpha’s last blog post..LP: Mahal Na Ina.
By jeanny, May 8, 2008 @ 11:34 am
ganda naman pagmasdan, larawan ng ina at ng mga anak.
Happy mother’s day
jeanny’s last blog post..LP#6 Mahal na Ina
By Munchkin Mommy, May 8, 2008 @ 2:46 pm
una sa lahat, happy mother’s day sa iyo, ces.
ang galing mong magdisenyo ng cookies. nakakahinayang kainin.
hindi ko pa nasubukang magdecorate ng cookies. pero nainspire mo akong subukan.
Munchkin Mommy
Mapped Memories
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #6: Ina
By sardonic nell, May 8, 2008 @ 2:49 pm
cheers to wonderful mothers like you, ces. happy mom’s day!
sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #: Mahal Na Ina
By PinayInTheUS, May 8, 2008 @ 5:55 pm
kakagutom naman dito
nice shot btw
PinayInTheUS’s last blog post..Where’s my tax rebate?
By zamejias, May 8, 2008 @ 9:30 pm
Oi type ko yong unang larawan…Magaling yong anak mo ha, in fairness…at magaling ka din magdesenyo sa mga cookies.
zamejias’s last blog post..For Reality TV Fans
By mousey, May 9, 2008 @ 6:27 am
kasarap naman bumisita dito may cookies pa.
ang galing!
maligayang araw ng mga ina!
mousey’s last blog post..By: Kaje
By star, May 9, 2008 @ 7:54 am
pahingi cookies!
gusto ko ung concept nung unang picture .. nakakatuwa! happy mother’s day to you!!
star’s last blog post..Litratong Pinoy #6: Mahal na Ina
By thess, May 9, 2008 @ 8:44 am
Tita Ces, Happy Mother’s Day sa iyo, sa iyong mommy at mom in law!! Buti na lang at may nagmana ng hilig mo sa photography, at least pag taga kuha ng picture mo ha ha!
Have fun with chef rambutanski!!
thess’s last blog post..Pink
By MommyBa, May 11, 2008 @ 6:07 am
ginutom ako sa mga nakita ko. although di ako masyadong mahilig sa cookies, gusto kong tikman ang mga nagawa nyo kasi mukhang masarap sya
Happy Mothers’ Day! Ang ganda nung ginawa nyong purse ha
MommyBa’s last blog post..Happy Mothers’ Day
By MommyBa, May 11, 2008 @ 6:11 am
Parang di ata nasave yung comment ko…
Anyway, sabi ko ginutom ako sa mga nakita ko. Di ako mahilig sa cookies pero gusto kong tikman ang mga gawa nyo na mukhang masarap!
Nagustuhan ko rin yung purse na ginawa nyo! Cool!
Happy Mothers’ Day!
MommyBa’s last blog post..Happy Mothers’ Day