Litratong Pinoy #7: ang mga umaapoy sa aking paligid

SALA? [LIVING ROOM]
Photobucket
Akala ko wala akong mailalahok sa linggong ito, pero naalala ko itong larawan na ito na kuha may mga ilang buwan na ang nakararaan habang matindi pa ang lamig dito sa aming lugar.

[I wasn't so sure what to post for this week's theme but here I found one in my archives, our fireplace with the two kids during the recent cold winter nights a couple of months ago.]

Photobucket
Naganap ito noong minsang naisipan naming gumawa ng home-made burgers at fries na kinain namin sa harapan ng fireplace…just like in the movies!:)[This was one night we thought of making home-made burgers and fries and ate them by the fireplace, feeling America.:)] Mainit siya ha! Ang pagkain at ang init na nanggagaling sa nagliliyab na apoy. [It was definitely hot, both the food and the heat from the burning fire wood.]

LIKOD-BAHAY [BACKYARD]
Photobucket
Ito naman ay sa aming likod bahay. Isang napakagandang araw, malamig pa rin ngunit dahil sa sikat ng araw, masarap ang pakiramdam! [This one on the other hand was taken at my backporch, one very mild, not hot spring day, but the sun was shining so bright, it felt really good!]

KUSINA [KITCHEN]

Photobucket
At ito ay kagabi lamang habang ako ay nagluluto ng New England CLAMBAKE, bago dumating ang aming bisitang pinsan na galing ng Canada. [And this was just last night, taken while I am cooking for dinner.] Nasaan ako? Nandoon sa ibaba ng camera, nagtatago. [Where am I? Hiding under the camera.] Literal ba? Iyan ang apoy. [What else can I say, now this is FIRE!]

HAPAG-KAINAN [DINING ROOM]
Photobucket
At ito ang kanyang kinalabasan. Kinunan ko habang umaaso pa sa init. Hindi lamang nakita sa larawan. [This was the end result taken while it was still steaming hot, fresh from the pot!]

Ang sa kwarto, hwag na nating pag-usapan ito…:) at baka tayo ma-sensor!

PhotobucketIka-pitong lahok para sa Litratong Pinoy na may temang…NAG-AAPOY. [This is my 7th entry for Litratong Pinoy with the theme...NAG-AAPOY.]

Maraming salamat pala sa aking butihing kapit-bahay na si Tita Stel dahil ang recipe nito ay galing sa regalo niyang cookbook noong pasko, bago pa man kami lumipat dito. Isa pa lamang ito sa mga masasarap na recipe sa nasabing libro. At kung gusto ninyo malaman ang pamamaraan sa pagluluto nito, maari lamang na lumiham sa akin o mag-iwan ng message dito.
[Thank you so much to my dear neighbor, Mrs. Rambutan for the recipe came from her Christmas gift which is a Williams-Sonoma Cookbook, Savoring Fish and Shellfish.]

No Comments

  • By g, May 14, 2008 @ 4:35 pm

    Nahirapan din ako maghanap ng ilalahok, Sana ay nakakapagluto din ako sa apoy gaya mo! Sugpo ba yun? Pahingi! =)

    g’s last blog post..LP #7 Umaapoy

  • By Linnor, May 14, 2008 @ 6:49 pm

    Iba-ibang anyo ng apoy. Ang daming lahok! :)

    Linnor’s last blog post..Umaapoy

  • By lidie, May 14, 2008 @ 7:20 pm

    napakasarap talagang kumain sa may tabi ng fireplace… napaka-romantic!
    magandang huwebes sa’yo!

    lidie’s last blog post..LP #7 :: Umaapoy

  • By julie, May 14, 2008 @ 10:31 pm

    Maganda, napakaraming entries na sumasapol sa tema.

    Oo nga pala, masarap yata ang mga handa mo diyan, yum-yum!

  • By Rach (Heart of Rachel), May 14, 2008 @ 11:04 pm

    That’s a huge claw. How I wish lobsters aren’t so expensive here. They are great for special occasions. :)

    Rach (Heart of Rachel)’s last blog post..Wordless Wednesday #21

  • By Buge, May 14, 2008 @ 11:46 pm

    Dito sa Pinas eh parang sa Baguio at Sagada lang ata ako nakakita ng fireplace. :) Parang masarap nga ang handa mo! Masarap din yung cheeseburger na malapit sa fireplace! Nakakagutom! Haha!

    Magandang Huwebes!

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Umaapoy

  • By jules, May 15, 2008 @ 1:35 am

    Kay gagandang mga larawan! Ang pinaka gusto ko ay ang sikat ng araw. Magandang Huwebes sa iyo!

  • By Pinky, May 15, 2008 @ 2:54 am

    Hi Ces! Galing naman at nakahanap ka ng mga umaapoy na bagay sa buong kabahayan ninyo ;)

    Gustong-gusto ko ang fireplace dahil napaka-romantiko at “cozy” ng dating samantalang mukhang napakasarap din naman ng iyong clambake! :D

    Happy Huwebes sa iyo!

    Pinky’s last blog post..LP #7: Umaapoy

  • By Cookie, May 15, 2008 @ 3:10 am

    Lobster!! Sarap naman :)

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Umaapoy

  • By ettey, May 15, 2008 @ 4:00 am

    type ko yung cheeseburger :D happy thursday!

    ettey’s last blog post..[LP: Umaapoy]

  • By Dyes, May 15, 2008 @ 6:19 am

    ang ganda naman ng fireplace nyo :) at siguradong nag-aalab ang inyong kwarto! hahaha!

    happy hottie hwebes!

    Dyes’s last blog post..LP # 7: Umaaapoy

  • By haze, May 15, 2008 @ 6:45 am

    wow, may fireplace. pangarap kong ma-experience yan. pero sa baguio lang ata may ganyan. at ang tagal ko nang hindi nakakapunta ng baguio. hehe

    lobster ba yun? ang taba! yummy!

    happy LP sa iyo!

    haze’s last blog post..LP #7: Umaapoy

  • By cathy, May 15, 2008 @ 7:16 am

    umaapoy ang tiyan ko sa gutom! hehe, patikim naman ng lobster..angtsalap! hehe!
    Happy Huwebes!

    cathy’s last blog post..Damdamin

  • By Thess, May 15, 2008 @ 7:24 am

    Wala na Tita Ces, hindi ko na napansin ang mga ‘apoy’ natutok na ako sa lobster ha ha ha!! Kaya eto sinasabayan ko ng nguya ng crackers ang pagtitig sa lobster mo, ini-imagine ko na lang na lobster ang lasa sa bawat kagat ko he he

    love the shots!! bigla ko yata na miss ang firplace namin..iponaalis namin kasi 2 years ago, tamad maglinis lol!

    Thess’s last blog post..By: haze

  • By jeanny, May 15, 2008 @ 10:55 am

    nice shot…kaso nagutom ako hehehe…pahingi ng lobster :)

    jeanny’s last blog post..LP#7 Umaapoy

  • By teys, May 15, 2008 @ 11:47 am

    maglalaway na lang ako sa dami ng pagkain :) ay, apoy nga pala ang tema hehehe

    gandang ‘webes!

    teys’s last blog post..LP#7 – Umaapoy

  • By sardonic nell, May 15, 2008 @ 12:44 pm

    naglaway naman ako sa entry mo. lobster, corn, sandwich. sarap!

    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #7: Umaapoy

  • By lino, May 15, 2008 @ 6:17 pm

    magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe…

    lino’s last blog post..umaapoy?(on fire)

  • By Grey, May 16, 2008 @ 4:21 am

    ang sarap ng init na dulot ng apoy tuwing tag-lamig. :) pede ba mag-roast ng marshmallows dyan sa fireplace? hehe.. smores tapos hot choco sabayan mo pa ng kwentuhan! sarap ng buhay! mabuhay LP! :)

  • By Clicking Away, May 16, 2008 @ 11:24 am

    Mukhang masayang-masayang nagpapainit ang iyong mga anak sa fireplace. Ang ganda ng silhoutte nila.

    Ang sarap din ng burger and lobster na iyan ha… kakagutom :)

    Clicking Away’s last blog post..LP007 – Umaapoy

  • By iska, May 16, 2008 @ 7:28 pm

    aba sis umaapoy nga ang kapaligran mo! haaay… kelan kaya kami makakaron ng hse na may fireplace? sarap siguro….

    iska’s last blog post..LP#7 Apoy

  • By Munchkin Mommy, May 17, 2008 @ 8:02 pm

    buti ka pa ces, nakapagsindi ng fireplace. dumaa’t dumaan ang winter dito sa amin, hindi kami nagsindi ng fireplace. hehehe. takot kami eh. :D nadistract ako sa hamburger!

    happy sunday (sabado pa lang dito sa amin)!

    Apoy sa Langit
    Apoy sa Keyk

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #7: Umaapoy

Other Links to this Post

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

CommentLuv Enabled